Home NATIONWIDE WPS issue, dapat pag-usapan sa 2028 elections – Teodoro

WPS issue, dapat pag-usapan sa 2028 elections – Teodoro

3
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na mahalagang pag-usapan ang isyu ng presensya at pagpasok ng China sa West Philippine Sea (WPS) sa 2028 national elections.

Ayon kay Teodoro, maraming hamon ang kinakaharap ng Pilipinas at kailangan nitong mapangalagaan ang mga yamang-dagat nito.

“Ang kalaban natin dito ay paligoy-ligoy, ‘teka’ attitude, at panahon… On that score, napaka-importante ng leadership at ngayon, pumihit tayo sa napakatatag na adhikain sa West Philippine Sea,” ani Teodoro.

Sinabi rin niyang nahaharap din sa hamon ng pagpasok ng China sa South China Sea ang ibang karatig-bansa.

Samantala, sinabi ni Lanao del Sur Rep. Zia Adiong na dapat maging pangunahing paksa sa halalan ang interes ng Pilipinas sa WPS.

“I think itong issue ng China vis-a-vis ang ating territorial interest, dapat maging central po ito sa diskusyon kung sino po man ‘yung may balak na maging leader ng ating bansa,” ani Adiong.

Noong 2016, nagpasya ang Permanent Court of Arbitration na may sovereign rights ang Pilipinas sa mga maritime area sa loob ng West Philippine Sea at hindi kinilala ang malawak na nine-dash line claim ng China. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here