Home METRO Pagawaan ng kemikal, natupok ng apoy; amoy umabot sa unang distrito ng...

Pagawaan ng kemikal, natupok ng apoy; amoy umabot sa unang distrito ng Laguna

1
0

LAGUNA, Philippines – Kumalat hanggang unang distrito ng Laguna at mga kalapit na bayan ang matapang na amoy ng chemical matapos masunog ang AGCHEM Manufacturing Corp. sa Gate 1, Progress Ave., Carmelray 1, Canlubang, Calamba noong Setyembre 25.

Batay sa ulat ng Calamba Component City Police Station, nagsimula ang sunog dakong alas-4:13 ng hapon. Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente at halaga ng pinsala.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa sunog. Gayunman, kumalat ang amoy ng chemical na inilarawan ng mga residente na parang pulbura hanggang sa Sta. Rosa, BiƱan at San Pedro.

Patuloy ang imbestigasyon ng Calamba City Bureau of Fire Protection sa pinagmulan ng sunog.

Pinayuhan naman ang publiko na magsuot ng facemask upang maiwasang malanghap ang amoy ng chemical. ELLEN APOSTOL

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here