Home NATIONWIDE Fixed term ng Barangay, SK na nagpaliban sa halalan, kinatigan ni Lapid

Fixed term ng Barangay, SK na nagpaliban sa halalan, kinatigan ni Lapid

4
0

MANILA, Philippines – Pinaboran ni Senador Lito Lapid ang batas na nagsasaayos ng termino ng mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan na kamakailan lamang ay nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Sa isang panayam, sinabi ni Lapid na pabor siya rito dahil base sa pagtaya ni Executive Secretary Ralph Recto, bilyun-bilyong pisong pondo ang matitipid  ng gobyerno.

Ayon kay Lapid, magagamit ito sa pagtulong sa mga apektadong sektor ng krisis sa langis at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Inirerespeto naman nya ang pagkwestyon ni Atty. Romy Macalintal sa Kortes Suprema sa suspensyon ng BSKE na nakatakda sa Nov. 3, 2026.

Sa bisa ng bagong batas, itinakda ang BSKE sa darating na November 2028.

Ginawa ni Lapid ang pahayag matapos syang umikot sa tatlong Barangay sa Batangas City at namahagi ng grocery packs sa may 600 residente, kabilang na ang 200 solo parents, 200 daycare pupils at  200 LGBTQ+ at iba pang indigents.

Ang grocery packs ng Lingkod  Lapid ay kinabibilangan ng bigas, gatas, noodles, spaghetti at ilang de lata.

Sa kanyang maiksing mensahe, ipinaabot ni Lapid ang kanyang malasakit at paglingap sa mga benepisyaryo, na kahit papaano anyay nabigyan ng konting kasiyahan at tulong ang mga mahihirap na Batanagueño.

Matapos ang gift giving sa Batangas City, tumuloy si Lapid sa Lipa City para inspeksyunin ang itinatayong City Hall annex building na kanyang pinapondohan sa gobyerno.

Nagpasalamat naman si Lipa City Mayor Eric Africa sa inilaang proyekto ni Lapid sa kanilang lungsod na malaking tulong umano sa kanilang pagbibigay serbisyo sa publiko.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here