MANILA, Philippines – Isinara ng Commission on Higher Education (CHED) ang 26 na programa sa edukasyon ng mga guro sa 11 higher education institutions (HEIs) na itinuturing na “diploma mills” sa bansa bilang bahagi ng pagsisikap na matiyak ang kalidad ng naturang kursong.
Ayon kay CHED Chairperson Shirley Agrupis, ginagawa ito upang matugunan ang mga tinatawag na “diploma mills” sa larangan ng edukasyon ng mga guro, lapat na sa mga undergraduate at graduate programs sa buong bansa.
Ang hakbang na ito ay sumusunod sa mga natuklasan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na may 177 teacher education institutions (TEIs) na may zero passing rate sa Licensure Examination for Teachers (LET) mula 2012 hanggang 2022.
Ayon sa EDCOM 2, ang mga naturang institusyon ay patuloy na nag-ooperate sa kabila ng hindi pagtupad sa quality standards.
“Importante na may disiplina tayo sa ating mga TEIs dahil hindi lang nasayang ang subsidy ng gobyerno, kundi pati oras ng mga estudyante,” sabi ni Senate President at EDCOM 2 Co-Chairperson Sherwin Gatchalian.
Aminado si Agrupis na may mga institusyon na binigyan ng conditional status, at binibigyan ng pagkakataon na ituwid ang mga kakulangan. Subalit, idinagdag niya na hindi ito pwedeng magpatuloy nang walang katapusan.
“Meron po kaming 11 teacher education institutions na naipasara, 26 programs. So we continue to do this and we are recalibrating our monitoring system,” pahayag ni Agrupis.
Kasama sa mga hakbang ng CHED ang paglulunsad ng Philippine Teacher Education Registry (PhilTER) upang magbigay ng impormasyon sa mga compliant na programa at matiyak ang kalidad ng mga ito.
Akin ang suporta ng EDCOM 2 sa CHED sa pagtiyak ng kalidad ng mga guro sa bansa, ayon kay Gatchalian.
“In order to produce quality teachers, we need quality TEIs. It goes without saying,” dagdag niya. Ernie Reyes