Home METRO Shellfish ban, ipinatupad sa Matariñao Bay dahil sa red tide

Shellfish ban, ipinatupad sa Matariñao Bay dahil sa red tide

3
0

EASTERN SAMAR, Philippines – Mananatili ang pagbabawal sa pagkuha, pagbebenta at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at Acetes sp. o alamang mula sa Matariñao Bay matapos makumpirma ng laboratory tests ang presensya ng red tide toxins sa mga shellfish meat sample.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Shellfish Bulletin No. 23, sakop ng ban ang mga baybaying bahagi ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani at Salcedo.

Nagbabala ang BFAR na maaaring magdulot ng paralytic shellfish poisoning at iba pang sakit ang pagkain ng shellfish na kontaminado ng red tide toxins. Hindi rin kinakailangang maalis ng pagluluto ang mga toxin.

Maaari pa ring kainin ang isda, pusit, hipon at alimango mula sa Matariñao Bay kung sariwa at maayos na ihahanda. Pinapayuhan ang publiko na alisin ang lamang-loob, kabilang ang bituka at hasang, at hugasan nang mabuti bago lutuin.

Patuloy na magsasagawa ang BFAR ng regular na sampling at laboratory testing. Mananatili ang shellfish ban hanggang mapatunayang ligtas na at wala nang toxic levels ng red tide organisms sa lugar. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here