Home METRO 78-anyos na negosyante binaril sa mukha matapos hablutan ng gintong kuwintas sa...

78-anyos na negosyante binaril sa mukha matapos hablutan ng gintong kuwintas sa Batangas

4
0

BATANGAS — Sugatan ang isang 78-anyos na negosyante matapos barilin sa mukha ng riding-in-tandem na umano’y humablot sa kanyang gintong kuwintas sa Barangay Sinipian, Sta. Teresita, Batangas nitong Martes ng hapon.

Ayon kay Sta. Teresita Municipal Police Station chief Maj. Charles Fulache, nangyari ang insidente dakong alas-5:17 ng hapon habang nakaupo ang biktima sa harap ng kanyang bahay.

Batay sa salaysay ng isang saksi, dumating sakay ng motorsiklo ang mga suspek at nilapitan ang negosyante. Hinablot umano ng mga ito ang kanyang gintong kuwintas bago siya binaril.

Agad na isinugod ang biktima sa Taal Polymedic Hospital and Medical Center at kalaunan ay inilipat sa isang ospital sa Balayan upang operahan.

Nagsasagawa na ang pulisya ng backtracking at forward-tracking upang makakuha ng CCTV footage na maaaring makatulong sa pagkakakilanlan at pagtunton sa mga suspek.

Nakikipag-ugnayan din ang mga awtoridad sa Land Transportation Office upang beripikahin ang plaka ng motorsiklong ginamit sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon at pagtugis sa mga suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here