Home METRO Cavite Economic Zone 2, pinalawak

Cavite Economic Zone 2, pinalawak

2
0

MANILA, Philippines — Pinalawak pa ng Malacañang ang Cavite Economic Zone 2 matapos idagdag sa sakop nito ang ilang lupain sa Barangay Santa Rosa 1, Noveleta, Cavite.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1460, tinatayang nasa 14,640 square meters ang kabuuang lawak ng mga lupang idinagdag sa economic zone.

Nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto ang proklamasyon noong Lunes, Setyembre 28.

Ang pagpapalawak ay ginawa batay sa rekomendasyon ng Board of Directors ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa ilalim ng Board Resolution No. 16-189, Series of 2016.

Sa ilalim ng proseso ng PEZA, ang pagtatatag o pagpapalawak ng isang economic zone ay nangangailangan ng rekomendasyon ng ahensya at presidential proclamation na nagtatakda sa mga lupang kabilang sa ecozone.

Bahagi na ngayon ng Cavite Economic Zone 2 ang tinukoy na mga lupain sa Noveleta alinsunod sa bagong proklamasyon. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here