Home NATIONWIDE Ateneo nanguna sa 6 PH universities sa THE World University Rankings 2027

Ateneo nanguna sa 6 PH universities sa THE World University Rankings 2027

4
0

MANILA, Philippines — Nanguna muli ang Ateneo de Manila University sa mga unibersidad sa Pilipinas na nakapasok sa Times Higher Education (THE) World University Rankings 2027, ikalimang sunod na taon na hawak nito ang pinakamataas na puwesto sa bansa.

Nasa 1,001–1,200 band globally ang Ateneo, habang pumangalawa sa mga paaralan sa Pilipinas ang University of the Philippines sa 1,201–1,400 band.

Sumunod ang University of Santo Tomas sa 1,601–1,800 band, habang kapwa nasa 1,801–2,000 band ang De La Salle University at Mapúa University. Nasa 2,001+ category naman ang Mindanao State University–Iligan Institute of Technology.

Ang anim na Philippine universities ay kabilang sa 2,297 institutions mula sa 118 bansa at teritoryo na kasama sa 2027 rankings. Nagpatupad din ang THE ngayong taon ng mas detalyadong ranking bands upang mas malinaw na maikumpara ang performance ng mga unibersidad.

Sinusukat ng THE ang performance ng mga research-intensive universities gamit ang limang pangunahing larangan: Teaching, Research Environment, Research Quality, International Outlook at Industry, na hinahati pa sa 18 performance indicators.

Nanguna naman sa buong mundo ang University of Oxford, na nanatili sa top spot ng global rankings.

Inilalabas ang THE World University Rankings mula pa noong 2004 at gumagamit ng institutional data, research publications, citation information at academic reputation surveys sa pagsusuri sa mga unibersidad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here