Home NATIONWIDE ‘Institutional support’ sa mabilis na pabahay program, tiniyak ng Senado sa NHA

‘Institutional support’ sa mabilis na pabahay program, tiniyak ng Senado sa NHA

3
0

MANILA, Philippines – Nangako ng legislative support si Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri sa mga housing project ng National Housing Authority o NHA, pero nanawagan din siya sa mga ahensya ng gobyerno na pabilisin ang proseso ng pagpapalabas ng pondo para maiwasan ang pagkaantala ng mga proyekto.

Kasabay nito, iginiit ni Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito na dapat unahin ng gobyerno ang dignidad at pangmatagalang affordability sa mga pabahay para sa mga Pilipino.

Sa pagdinig ng Finance Subcommittee sa panukalang 2027 budget ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at attached agencies nito, sinabi ni Zubiri na susuportahan niya ang mga programa ng NHA sa pamamagitan ng institutional amendments.

“I really want to support the programs of the NHA through institutional amendments. We no longer draw from your budget; we find ways ourselves. But we just want to make sure that it is properly implemented and obligated—this is for the people,” pahayag ni Zubiri.

Binigyang-diin niya ang mga administrative bottleneck sa pagitan ng Department of Budget and Management o DBM at NHA, lalo na sa pag-isyu ng Special Allotment Release Orders o SARO at Notices of Cash Allocation o NCA para sa municipal resettlement projects sa Bukidnon.

Hinimok ni Zubiri ang dalawang ahensya na ayusin agad ang mga delay sa proseso.

Aniya, ang layunin ng budget amendments ay para mapabilis ang pagtatayo ng mga bahay para sa mga benepisyaryo sa mga lokal na pamahalaan.

Sa parehong pagdinig, sinabi naman ni Sen. JV Ejercito na ang housing initiatives ng gobyerno ay dapat sumusukat hindi lang sa dami ng natapos na unit.

“When we address our country’s housing needs, we do not only ask how many units were completed or produced. We also ask if these houses were built not only to uphold the Filipino’s economic growth, but his or her dignity. More than houses, we want to build homes—homes that can house their dreams,” ani Ejercito.

Bilang principal author ng DHSUD Act, binanggit ni Ejercito ang mga prayoridad sa pondo: disaster-resilient na mga proyekto, patas na financing para sa low at middle-income families, at kongkretong hakbang para bawasan ang national housing backlog.

Hinimok din niya ang DHSUD at mga attached agencies na sulitin ang bawat piso ng budget at siguraduhing kayang bayaran ng ordinaryong pamilya ang monthly amortization sa gitna ng pagtaas ng bilihin.

Patuloy ang pagsusuri ng Senado sa panukalang budget ng DHSUD para sa 2027. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here