MANILA, Philippines – Umaasa si Mary Jane Veloso na wala nang Pilipinong matutulad sa sinapit niya matapos ang halos 15 taong pagkakakulong sa Indonesia dahil sa kasong may kinalaman sa droga.
Sa press conference sa Department of Justice (DOJ) ngayong Oktubre 1, nanawagan si Mary Jane sa mga nagbabalak magtrabaho sa ibang bansa na dumaan sa tamang at legal na proseso.


Nais niyang magsilbing babala ang kanyang karanasan at huwag basta maniwala sa mga nag-aalok ng madaliang pag-alis at trabaho sa ibang bansa.
Nagpasalamat din si Mary Jane sa kanyang pamilya, mga abogado, at human rights groups na patuloy na sumuporta sa kanya sa mahabang laban.








