MANILA, Philippines – Umaasa si Mary Jane Veloso na wala nang Pilipinong matutulad sa sinapit niya matapos ang halos 15 taong pagkakakulong sa Indonesia dahil sa kasong may kinalaman sa droga.
Sa press conference sa Department of Justice (DOJ) ngayong Oktubre 1, nanawagan si Mary Jane sa mga nagbabalak magtrabaho sa ibang bansa na dumaan sa tamang at legal na proseso.
Nais niyang magsilbing babala ang kanyang karanasan at huwag basta maniwala sa mga nag-aalok ng madaliang pag-alis at trabaho sa ibang bansa.
Nagpasalamat din si Mary Jane sa kanyang pamilya, mga abogado, at human rights groups na patuloy na sumuporta sa kanya sa mahabang laban.
Lubos din ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa pagbibigay sa kanya ng absolute pardon na naging daan para makalaya at muling makapiling ang pamilya.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, napagdesisyunang palayain si Mary Jane alinsunod sa batas ng Pilipinas matapos siyang maibalik sa bansa mula sa Indonesia. Jocelyn Tabangcura-Domenden