Home METRO Most wanted sa region 2, himas rehas sa panggagahasa

Most wanted sa region 2, himas rehas sa panggagahasa

4
0

ISABELA, Philippines – Himas rehas ang isang 63-anyos na lolo na kabilang sa No. 9 Top Most Wanted Person (TMWP) Regional Level sa rehiyon dos matapos ipatupad ang warrant of arrest laban sa kanya sa Barangay Annafunan, Echague, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Mario,”, may asawa, magsasaka, at residente ng nasabing bayan na nahaharap sa kasong Rape by Sexual Assault at Qualified Rape of a Minor.

Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay matagumpay na naisagawa ang operasyon ng Tracker Team ng Echague Police Station bilang lead unit, katuwang ang CIT Santiago RIU2, 205th MC-RMFB, at PIU-IPPO, batay sa warrant.

Batay sa reklamo, ang unang insidente ay naganap noong Marso 15, 2025, nang umano‘y sapilitang dalhin ng suspek ang menor de edad na biktima sa isang silid at doon siya seksuwal na inabuso, at naulit ang kaparehong  pangyayari  noong Pebrero 15, 2026 sa mismong bahay ng suspek. 

Natigil umano ang insidente nang dumating ang tiyahin ng biktima.

Kalaunan, isiniwalat ng biktima ang mga insidente sa kanyang pamilya at kasama ang kanyang ama ay nagtungo sa Echague Police Station upang magsampa ng reklamo.

Isinangguni rin siya sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) para sa counseling at iba pang kinakailangang serbisyo.

Pansamantala nasa kustodiya ng Echague Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang diaposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here