MANILA, Philippines – Nagsimula na ang implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa limang lungsod sa Metro Manila ngayong Lunes, Oktubre 5, 2026.
Ang mga LGU na ito ay ang Manila, Quezon City, Valenzuela, Parañaque, at Muntinlupa.
Gagamitin sa NCAP ang closed-circuit television, digital cameras, at mga teknolohiya para kumuha ng video at larawan ng mga sasakyan na lalabag sa mga batas trapiko sa halip na traffic enforcer.
Magkakaroon ng standardized na multa ang mga lalabag sa batas trapiko sa ilalim ng Metro Manila Traffic Code of 2023.
Samantala, maaari namang tingnan ng mga motorista kung sila ay may paglabag sa batas trapiko sa mga online portal ng kani-kanilang local government units.
Maaari ring bayaran ang mga multang ito online. RNT/JGC