MANILA, Philippines – Gagayahin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang sediment trapping project ng Malolos City Government sa Brgy. Pamarawan, Malolos City, Bulacan, bilang depensa laban sa storm surge at para maibsan ang pagbaha sa mga coastal area sa North Manila Bay.
Ito ay kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mamuhunan sa nature-based solutions katuwang ang partner countries at pribadong sektor para sa pangmatagalang solusyon sa pagbaha sa baybayin.
“Sabi ng Pangulo, aksyon na tayo. Pinaplano na namin paano ito [sediment trapping unit] i-replicate throughout North Manila Bay towns of Hagonoy, Paombong, Masantol, Macabebe, all the way to Sasmuan,” pahayag ni Public Works Secretary Vince Dizon sa pag-inspeksyon sa pilot sediment trapping project sa Brgy. Pamarawan, kasama sina Netherlands Ambassador to the Philippines Roderick Wols, Malolos City Mayor Christian Natividad, at Haskoning Philippines Inc. Director Trevor Morrish-Hale.
Binigyang-diin ni Dizon na hindi pwedeng puro na lamang konkreto kaya kailangan din ng nature-based solution. Jocelyn Tabangcura-Domenden