Home NATIONWIDE Bahagi ng flood control project sa Arayat, Pampanga bumigay

Bahagi ng flood control project sa Arayat, Pampanga bumigay

4
0

PAMPANGA- Humiling na nang urgent intervention sa Department of Public Works and Highways (DPWH) si Arayat Town Mayor Jeffrey Luriz matapos mag-collapsed o bumigay nitong Biyernes, Oktubre 2, 2026 ang bahagi ng mahigit 300 metro ng Flood Control Project sa Barangay San Mateo, Arayat, Pampanga.

Hiniling ni Luriz sa DPWH na bigyan ng pansin at magsagawa ng agarang inspection sa lugar at gawan ng agarang aksiyon para patatagin ang nasirang istruktura kung saan nasa dalawampung (20) kabahayan ang maaaring maapektuhan kung tuluyan umano itong gumuho.

Sa pagtaya nasa 311 metro ang bumigay o gumuho sa flood control project sa lugar. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here