Home TOP STORIES Babaeng death row inmate sa US, nakaligtas sa execution

Babaeng death row inmate sa US, nakaligtas sa execution

5
0

TENNESSEE, USA – Nagkamalay na at nakapagsasalita na si Christa Pike, 50, ang babaeng death row inmate na nakaligtas sa bigong execution sa isang bilangguan sa Tennessee noong nakaraang linggo, ayon sa kanyang mga abogado.

Tumanggap si Pike ng dalawang dosis ng pentobarbital na dapat sana ay nakamamatay. Sa halip, nakaligtas siya at isinugod sa ospital kung saan siya dating walang malay at nakakonekta sa ventilator.

Ayon sa kanyang mga abogado, nananatili siyang nasa kritikal na pangangalaga at hindi pa malinaw ang kanyang prognosis. Malubha rin umano ang pinsala sa kanyang mga braso at inaasahang mahaba ang kanyang paggaling.

“The recovery is medically unprecedented. Her prognosis remains unclear but, at a minimum, we expect a long recovery,” ayon sa kanyang mga abogado.

Muling hiniling ng kanyang legal team kay Tennessee Gov. Bill Lee na gawing habambuhay na pagkakakulong nang walang posibilidad ng parole ang sentensiya ni Pike.

Sinuspinde naman ni Lee ang pagpapatupad ng death penalty sa estado habang isinasagawa ang independent investigation sa bigong execution. Nagbitiw na rin ang prison chief.

Nahaharap si Pike sa death sentence dahil sa pagpatay kay 19-anyos na si Colleen Slemmer noong 1995, nang siya ay 18 anyos pa lamang. Kasama niya noon ang kanyang nobyo sa pananakit at pagpatay sa biktima sa isang job training camp.

Humingi noon ng clemency ang kanyang mga abogado, na binanggit ang kanyang murang edad, childhood sexual abuse at mga problema sa mental health, kabilang ang post-traumatic stress disorder.

Ayon sa Death Penalty Information Center, unang inmate umano si Pike na nakaligtas matapos maturukan ng lethal doses ng mga gamot na ginagamit sa execution. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here