Home NATIONWIDE Pera ni Mans Carpio sa Landbank mula 2022-2025, inilantad sa impeachment trial

Pera ni Mans Carpio sa Landbank mula 2022-2025, inilantad sa impeachment trial

6
0

MANILA, Philippines – Inilabas nitong Martes sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang mga year-end balance ng Land Bank of the Philippines o LBP account ni Atty. Manases “Mans” Carpio sa Davao R. Magsaysay branch mula 2022 hanggang 2025.

Ipinakilala ng prosecution counsel na si Atty. James Alih si LBP R. Magsaysay Branch Manager Raquel dela Cerna na nagsabing may aktibong account si Carpio sa sangay na nagtatapos sa 2730.

“In my records, year-end December 2022 is P505,517.35 … for year-end 2023, the outstanding balance at that time was P953,681.42 … for 2024 it was P115,824.20 … for 2025 it was P1,358,373.07,” sabi ni dela Cerna.

Sa cross-examination, nilinaw din ni dela Cerna na hindi iniinform ng LBP ang asawa ng kliyente tungkol sa mga transaksyon at record ng bangko.

Nang tanungin kung kailangan ng authorization ng kliyente para ilabas ang detalye ng bangko, sagot niya: “We require SPA, sir, Special Power of Attorney — an authorization.”

Bago si dela Cerna, tumestigo rin si LBP San Pedro Branch Manager Eunice Sumatra. Maikli lang ang kanyang testimonya dahil matapos suriin ang ilang dokumento, hindi niya mahanap ang “certificate of outstanding balances” na ni-subpoena ng Senate impeachment court.

Nakatakda pang tumestigo ngayong Miyerkoles ang mga kinatawan ng iba pang bangko kaugnay ng parehong usapin.

Kabilang dito ang mga bangko na may record ni Carpio:

1.     Asian United Bank

2.     Philippine Savings Bank

3.     Metropolitan Bank and Trust Co. o Metrobank

4.     Security Bank

5.     Bank of the Philippine Islands

6.     Philippine National Bank

7.     BDO Unibank Inc. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here