Home NATIONWIDE 3 pekeng MTPB arestado sa Maynila

3 pekeng MTPB arestado sa Maynila

2
0

MANILA, Philippines – ARESTADO ang tatlong nagpanggap na mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MRPB) na aktong nanghihingi ng karagdagang parking fee na mas mataas sa ipinapatupad ng Lungsod ng Maynila, sa harapan ng Rizal Memorial Staduim sa kahabaan ng Adruatico St., Brgy 720 Zone 78, Malate, Manila.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 177 (Usurpation of Authority or Official Functions) sa ilalim ng Revised Penal Code ang mga naarestong suspek na sina Roel Grayda, 37, binata ng 765 Maginhawa St., Brgy 713, Zone 78, Malate, Manila; Emerson Adonis, 26, binata ng 713 Maginhawa St., Brgy 713, Zone 78, Malate, Manila; at Jervin Cordial, 23, binata ng 765 Bulaklak St., Brgy 713, Zone 78, Malate, Manila.

Sa ulat ni PMSG Oscar Vargas Jr, Imbestigador ng Special Mayors Raction Team (S.Ma.A.R.T), inaresto ang mga suspek base sa reklamo na natagggap nila mula sa Bilis Kilos Action Center-Citizens Complaint Hotline City Development Information Service (CDIS) hinggil sa nagpapakilalang personnel ng MTPB at humihingi ng dagdag bayad sa parking ng sasakyan na mas mataas sa ipinapatupad ng LGU.

Dahil dito, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng S.M.A.R.T kung saan nagkunwang ipinarada ang kanilang sasakyan sa nasabing lugar at sinita ng mga suspek at hiningan ng mas mataas na parking fee.

Dahil dito, nagpakilala ang mga operatiba at hiningian ng kanilang identification at nang walang naipakita ay inaresto ang mga ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here