Home OPINION PASANIN NG OFWs GAGAAN SA OWWA AKLAN

PASANIN NG OFWs GAGAAN SA OWWA AKLAN

3
0

SA serbisyo publiko, hindi na dapat pinagdedebatehan kung alin ang mas maganda para sa mga namumuno Ang dapat unahin ay kung alin ang mas kapaki-pakinabang at mas madaling maabot ng mamamayan.

Para sa pamilya ng overseas Filipino worker na kumakayod at nagtitipid, bawat pisong ginagastos sa pamasahe ay pera na dapat napupunta sa pagkain, gamot, edukasyon at pang-araw-araw na pangangailangan.

Kaya ang panawagan: Ilapit ang serbisyo sa mamamayan. Huwag silang pagastusin nang higit sa kinakailangan para lamang makakuha ng serbisyong dapat naman nilang natatanggap.

Ang serbisyo publiko ay hindi dapat nakasentro sa kaginhawaan ng opisina. Dapat itong nakasentro sa kapakanan ng taong pinaglilingkuran.

Umaasa ang mga OFW kung paano maging maalwan ang kanilang pag-aasikaso ng kanilang mga papeles sa Overseas Workers Welfare Administration Region VI sa Iloilo City.

Bukod sa Iloilo ay nagustuhan na rin ni Department of Migrant Workers Secretary Hanz Leo Cacdac Jr ang lalawigan ng Aklan dahil sa pagkamaalalahanin ng mga Aklanon.

Kaya makatuwiran ayon kay Mary Ann Yabut ng Barangay Tambuan, Malinao, Aklan na pag-aralan kung ang Aklan ay maaaring maging mas praktikal at mas accessible na lokasyon para maging Regional Office VI.

Ang lalawigan ng Antique, Roxas City Aklan, Iloilo City at Bacolod ay nakaranas iba’t ibang problema noong nilalakad nila ang kanilang problema sa OWWA Iloilo City.

Kung mapatutunayang mas makabubuti sa mga OFW sa Aklan, ano ang dahilan para hindi ito isaalang-alang? Dahil ang OWWA ay hindi lamang isang tanggapan na may magandang kinalalagyan.

Mas maganda kung pagtuunan ay kung alin ang tunay na makatutugon sa pangangailangan ng mamamayan—mas mabilis, mas accessible, at mas abot-kaya.

Sa huli, ang sukatan ng isang mahusay na serbisyo publiko ay hindi kung saan ito nakapwesto, kundi kung gaano ito kadaling maabot at mapakinabangan ng mamamayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here