Home NATIONWIDE ITCZ, easterlies at northeasterly windflow patuloy na magpapaulan sa bansa

ITCZ, easterlies at northeasterly windflow patuloy na magpapaulan sa bansa

3
0

MANILA, Philippines – Patuloy na magdadala ng mga pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ), easterlies, at northeasterly windflow sa malaking bahagi ng bansa ngayong Lunes, Oktubre 12.

Ayon sa PAGASA, ang Bicol Region, MIMAROPA, Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Leyte, at Southern Leyte ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa ITCZ.

Ang Batanes at Babuyan Islands ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa Northeasterly Windflow.

Samantala, ang Metro Manila, CALABARZON, Central Luzon, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, at Pangasinan ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil naman sa Easterlies

Habang ang nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa ITCZ at nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here