MANILA, Philippines – Inihayag ng asawa ni Vice President Sara Duterte na ang ilan sa mga gastos na tinalakay sa impeachment trial ay sangkot ang kanyang sariling pera at hindi dapat isama.
Sa pahayag nitong Linggo, sinabi ni Atty. Mans Carpio na kabilang sa mga gastos ang sarili niyang credit card expenses at walang kinalaman kay Duterte o sa kanyang opisina.
“There is nothing illegal about spending my own hard-earned money. No public funds were used for these personal expenses,” ani Carpio.
Ang tinutukoy ni Carpio ay ang tatlong expenditures na pinuna ng forensic accountant na si Alexander Cabrera sa paglilitis.
Ito ay ang daang libong pisong halaga ng gastos sa Japan, maging sa Nike outlets sa Malaysia at Davao del Sur.
“The expenses in Japan were incurred during a trip with a large group. Since many of us did not have cash on hand at the time, I used my credit card to settle the expenses, and we shared the cost among ourselves,” sinabi ni Carpio, na ginamitan niya umano ng credit card dahil ang mga participant ay walang dalang cash.
Samantala, nakinabang naman sa pagbili sa tindahan ng sapatos ang junior basketball players na nanalo sa championship sa Malayia, maging ang senior basketball players.
“These were personal expenditures made with my own money for specific purposes. They should not be misrepresented as expenses of Vice President Sara Duterte or linked to her official functions,” ani Carpio.
Dinetalye sa bahagi ng impeachment trial na sumasakop sa umano’y unexplained wealth ni Duterte, kabilang ang ilang business interest at financial matters na may kaugnayan kay Carpio dahil sila ay mag-asawa.
Ayon sa prosekusyon, hindi tugma ang kita nina Duterte at Carpio sa idineklara nilang net worth kabilang ang mga halaga na nakalista sa Statements of Accounts, Liabilities and Net Worth (SALNs) ni Duterte.
Kasalukuyang tinatalakay sa Senate impeachment court ang Article II ng impeachment complaint laban kay Duterte patungkol sa kanyang unexplained wealth. RNT/JGC