MANILA, Philippines – Walang magiging shortage sa posibleng kandidato na papalit kay Vice President Sara Duterte sa 2028 presidential race kung mahahatulan ito ng impeachment court at pagbabawalan na tumakbo sa anumang opisina, ayon kay dating presidential spokesperson Salvador Panelo.
Ayon kay Panelo, isa sa nakikita niyang kapalit ni Duterte ay ang nakababata nitong kapatid na si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Dagdag pa ni Panelo, ilan pa sa posibleng alternatibo ay sina Senador Robin Padilla at Christopher Lawrence “Bong” Go, na inilarawan niyang “sure winners.”
Nagpapatuloy ang impeachment trial laban kay Duterte at kung macoconvict ay hindi na maaaring tumakbo sa anumang pampublikong opisina is Duterte.
Kung hindi naman mahahatulan, sinabi ni Panelo na “there is no doubt that she will win as president.” RNT/JGC