MANILA, Philippines – Malapit nang makumpleto ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX), na magbibigay ng mas direktang biyahe sa pagitan ng Cavite at Laguna at mag-uugnay sa Cavite Expressway (CAVITEX) sa pamamagitan ng CAVITEX-CALAX Link (CCLink).
Ayon sa MPCALA Holdings, Inc., nagpapatuloy ang konstruksyon sa natitirang 18.5 kilometro ng 45-kilometrong expressway, partikular sa Subsections 1 at 2.
Kabilang sa mga isinasagawang trabaho ang road pavements, mga tulay, drainage system, interchange ramps at iba pang imprastraktura.
Sa kasalukuyan, bukas na sa mga motorista ang CALAX mula Mamplasan sa BiƱan, Laguna hanggang Governors Drive sa General Trias, Cavite.







