Home NATIONWIDE Red alert status posible sa Luzon grid sa El Niño- DOE

Red alert status posible sa Luzon grid sa El Niño- DOE

2
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Department of Energy (DOE) na mahigpit na minomonitor nito ang situwasyon ng power grids sa iba’t ibang panig ng bansa sa gitna ng banta ng Super El Niño.

Ayon sa departamento, magsasagawa ito ng simulasyon sa grids dahil na rin sa pagtaas ng demand para sa power supply na inaasahan sa panahon ng matagal na tag-tuyot.

“In preparation for the El Niño, what we are doing is to make a simulation on the current situation with increased demand due to El Niño. So we take into consideration kung ano ‘yung status ng mga power plants natin ngayon, at ano yung mga power plants at transmission facilities na nagkakaroon ng increased frequencies ng outages during mga ganitong situation,” ang sinabi ni DOE Undersecretary Mario Marasigan.

Nauna rito, sinabi ng PAGASA na ang average temperatures sa iba’t ibang panig ng bansa ay nakatakdang tumaas ng 1 hanggang 2 degrees Celsius sa panahon ng weather phenomenon.

Ang Bicol region at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ay nakararanas na ng epekto ng El Niño, at maaari itong umigting sa panahon ng dry season sa 2027.

Tinuran ng DOE na ang deklarasyon ng red alert status sa Luzon grid ay maaaring maging madalas sa panahon ng El Niño.

Gayunman, tiniyak naman ng departamento na hindi naman ito mauuwi sa manual load dropping o rotational brownouts.

“Assuming mayroong normal condition tayo, mayroon tayong nakikitang manaka-nakang red alert for Luzon, but this does not necessarily translate to manual load dropping,” ang sinabi ni Marasigan.

“A red alert status is issued when power supply is insufficient to meet consumer demand and the transmission grid’s regulating requirement,” ayon sa DOE.

Sa kabilang dako, hinihintay naman ng DOE ang pagtatapos ng binalangkas na auxiliary services para palakasin ang energy reserves sa Visayas grid.

“Pagdating sa Visayas, this is the one we are looking at because we have to ensure the completion ng immediate and interim solutions, ito yung mga battery storage system natin at power barges, to be ready by the first quarter of 2027,” ayon kay Marasigan.

“Kung mayroon tayong mga auxiliary services, na available coming from these facilities, the added capacities, then we’ll be able to greatly reduce the potential red and yellow alerts,” an Marasigan sabay sabing “Pero kung hindi matutuloy yung mga additional capacities, we will have a substantial number of red alerts, hindi lang yellow alerts.”

At para tugunann ang pagnipis ng energy reserves sa Visayas grid, nauna nang ipinag-utos ng DOE sa National Grid Corporation of the Philippines na magkabit ng mahigit sa 250 megawatts ng battery energy storage system.

Pinag-iisipan naman ng DOE na gamitin ang liquid fuel facilities para makatgulong na makapagbigay ngb karagdagang lakas sa grid.

Samantala, ang tsansa naman ng red alert status declaration sa Mindanao grid ay malamang na mangyari sa huling bahagi ng susunod na taon.

“Pagdating sa Mindanao, very limited ‘yung mga yellow alerts and kung magkaroon ng tsansa ng magkaroon ng red alert, it will be towards the end of the year na po, last quarter na po ng 2027,” ayon kay Marasigan. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here