Home HOME BANNER STORY 2 Pinoy sa Laos iniimbestigahan sa 521 kilo ng shabu na ipadadala...

2 Pinoy sa Laos iniimbestigahan sa 521 kilo ng shabu na ipadadala sana sa Pinas – PDEA

3
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Lunes, Oktubre 12 na dalawang Pinoy ang iniuugnay sa umano’y tangkang pagpuslit ng 521 kilo ng shabu mula sa Laos patungong Pilipinas sa pamamagitan ng private jet.

Sa pulong balitaan, sinabi ni PDEA Director General Isagani Nerez na inaresto si alyas “Fahad” sa paliparan sa Laos kaugnay sa umano’y smuggling ng iligal na droga.

“Si Fahad, confirmed na Pilipino siya. Yung residence niya ngayon is in Marawi. Meron na tayong listahan kung saan pa yung mga ibang place of residence niya. ‘Yan na ngayon ang focus ng ating investigation dahil siya nakapulong ngayon doon,” sinabi ni Nerez.

“But the challenge is we have to establish yung link, sino mga kakuntsaba niya sa Pilipinas,” dagdag pa. added.

Samantala, si alyas “Boyet” naman ang nag-ayos ng private jet para ibyahe ang mga shabu mula Laos patungong Pilipinas.

“We have evidence that si Boyet is taga-dito sa Luzon at si Fahad may address sa Luzon parehas po. So that makes sense. It will establish yung link nila na magkakilala,” sinabi pa ni Nerez.

“Alam namin he’s affiliated doon sa drug group na sinusundan namin. Dahil kaibigan niya yung nag-charter ng eroplano na yung tao na ’yan si Boyet ay nasa listahan ng PDEA,” dagdag niya.

Si Boyet ay iniulat na lumipad patungong Hong Kong.

May impormasyon na ang mga awtoridad patungkol sa mga kasabwat ni Fahad sa Pilipinas ngunit hindi na idinetalye pa habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Sa oras na mapatunayan ang kanilang mga identity ay magsasagawa na ng case build up laban sa kanila.

Humihingi na rin ng tulong ang Pilipinas sa Laos para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa smuggled na droga.

Batay sa inisyal na impormasyon, lumipad mula Malaysia patungong Laos ang Learjet para magpick-up ng 23 piraso ng maleta na naglalaman ng iligal na droga.

Nadiskubre na lamang ng mga awtoridad na iligal na droga ang laman nito nang tumanggi ang piloto ng eroplano na ikarga ito.

Ani Nerez, posibleng maharap si Fahad sa mga parusa kabilang ang death penalty kung mapatutunayang sangkot sa drug smuggling. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here