Home METRO Visayas grid muling isinailalim sa yellow alert

Visayas grid muling isinailalim sa yellow alert

3
0

MANILA, Philippines — Muling isasailalim sa Yellow Alert ang Visayas power grid ngayong Lunes, Oktubre 19, mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ang Yellow Alert ay inilalabas kapag mas mababa sa kinakailangang reserba ng grid ang kapasidad ng mga planta ng kuryente.

Ayon sa NGCP, nasa 2,524 megawatts (MW) ang available capacity ng grid, habang inaasahang aabot sa 2,449 MW ang peak demand.

Iniulat din ng NGCP na walong planta ang hindi pa umaandar mula pa noong Oktubre, lima mula Setyembre, tatlo mula Agosto, isa mula Hunyo at apat mula Mayo.

Nauna nang sinabi ng Energy Regulatory Commission (ERC) na iimbestigahan nito ang mga kumpanya ng kuryente kaugnay ng mga aberya sa suplay sa Visayas at Mindanao. Mula Mayo, ilang ulit nang nakaranas ng Red at Yellow Alert ang Visayas grid.

Noong Setyembre, iniutos din ng ERC ang retroactive implementation ng secondary price cap sa mga transaksiyon sa electricity spot market sa Visayas at Mindanao para sa Agosto at sa mga susunod na panahon.

Awtomatikong naipatutupad ang secondary price cap kapag lumampas sa itinakdang threshold ang rolling average ng presyo sa buong Philippine grid. Kapag na-activate, kinukuwenta at inilalapat ito sa bawat rehiyon batay sa rolling average price ng kani-kanilang grid.

Umabot sa record levels ang presyo sa spot market sa Visayas at Mindanao dahil sa pagsasara ng maraming planta ng kuryente sa mga rehiyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here