Home NATIONWIDE eNotarization, operational na — SC

eNotarization, operational na — SC

4
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines — Opisyal nang operational sa buong bansa ang electronic notarization o eNotarization, ayon sa Supreme Court (SC).

Sa ilalim ng sistema, maaaring elektronikong lagdaan at ipa-notaryo ang mga digital document sa pamamagitan ng accredited Electronic Notarization Facility (ENF) at commissioned Electronic Notary Public (ENP).

Kabilang sa unang accredited ENF providers ang Twala, QLegal at NotarizeIT, ayon sa SC.

Maaaring magparehistro ang publiko sa eNotarization portal ng Supreme Court at pumili mula sa listahan ng mga commissioned electronic notary public.

Saklaw ng sistema ang acknowledgment, oath o affirmation, jurat at signature witnessing na isinasagawa sa electronic documents. Hindi naman kabilang dito ang notarization ng wills at deposition taking.

Nilinaw ng SC na alternatibong paraan lamang ang eNotarization at hindi nito pinapalitan ang tradisyunal na notarization. Mananatiling balido at kinikilala ang notarization ng mga paper document sa ilalim ng umiiral na rules on notarial practice.

Bahagi ang nationwide rollout ng eNotarization sa digitalization program ng hudikatura upang gawing mas accessible at efficient ang notarial services habang pinangangalagaan ang authenticity at integrity ng mga dokumento. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here