Home METRO PDL patay sa kuryente habang naliligo sa Argao District Jail

PDL patay sa kuryente habang naliligo sa Argao District Jail

3
0

CEBU CITY — Nasawi ang isang 26-anyos na person deprived of liberty (PDL) matapos umanong makuryente habang naliligo sa comfort room ng Argao District Jail sa Cebu nitong Martes ng gabi, Oktubre 20.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Argao Municipal Police Station, naliligo ang biktima pasado alas-7 ng gabi nang mangyari ang insidente.

Isang kapwa PDL umano ang nakakita sa pangyayari at agad na humingi ng tulong sa jail officer na naka-duty.

Pinatay ng jail officer ang circuit breaker bago tinulungang mailabas ang biktima sa comfort room.

Nagsagawa naman ng cardiopulmonary resuscitation o CPR ang iba pang PDL sa biktima.

Nang hindi ito tumugon, binigyan siya ng oxygen at isinugod sa ospital bandang alas-7:55 ng gabi.

Gayunman, idineklara siyang patay ng attending physician alas-8:16 ng gabi.

Ayon sa pulisya, residente ng Barili, Cebu ang nasawing PDL.

Bandang alas-1:10 ng madaling araw nitong Miyerkules, Oktubre 21, iniulat ng kapatid ng biktima sa mga awtoridad ang insidente.

Nakikipag-ugnayan na ang Argao police sa Bureau of Jail Management and Penology para sa mas malalim na imbestigasyon sa pagkamatay ng PDL.

Humiling din ang pamilya ng autopsy upang matukoy ang eksaktong sanhi ng pagkamatay at makumpirma kung electrocution nga ang dahilan.

Patuloy na kumukuha ng salaysay ang mga awtoridad mula sa mga kapwa PDL na naroon nang mangyari ang insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here