MAGANDANG balita para sa mga PhilHealth members! Simula ngayong Oktubre hanggang Disyembre,
maaari na kayong humiling ng pagpapalipat sa bagong YAKAP Clinic na mas kumpleto sa serbisyo!
�� Paano mag-transfer?
1. Pumunta sa pinakamalapit na PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO).
2. Mag-undergo ng liveness check sa PhilHealth Check Utility (PCU) o magdala ng valid
government ID at Primary Care Selection Fo
Ang mga approved transfers para sa mga nakatapos na ng First Patient Encounter (FPE) ay opisyal na
magkakabisa sa Enero 1, 2027!
Wag tiisin ang kulang-kulang na serbisyo. Lumipat na sa YAKAP facility na nakakatulong nang tunay!
Sa ilalim ng mga bagong alituntunin ng PhilHealth, ang mga benepisyaryo na hindi pa nakakapag-avail
ng kanilang First Patient Encounter (FPE) ay maaaring mag-apply ng clinic transfer anumang oras sa
loob ng taon. Ang mga ganitong kahilingan ay agad na magkakabisa kapag naaprubahan.
Samantala, para sa mga miyembro na nakatapos na ng kanilang FPE sa kasalukuyang clinic, ang
paghiling ng pagpapalipat ay eksklusibong bukas lamang sa huling quarter ng taon, mula Oktubre
hanggang Disyembre. Ang mga maaprubahang request para sa pangkat na ito ay opisyal na
magkakabisa sa Enero 1 ng susunod na taon.
Upang magproseso ng pagpapalipat, kailangang bumisita ang miyembro sa alinmang PhilHealth Local
Health Insurance Office (LHIO) para sa validation at liveness checking gamit ang PhilHealth Check Utility
(PCU). Para sa mga aplikante na hindi pa kumpleto ang PhilSys registration at hindi makapasa sa PCU
verification, maaari silang magprisinta ng isang valid government-issued ID o iba pang katanggap-
tanggap na dokumento kasama ang duly accomplished Primary Care Selection Form.
Para naman sa mga benepisyaryong hindi makakapunta nang personal dahil sa karamdaman o iba pang
mahahalagang dahilan, pinapayagan ang pagpapadala ng kinatawan o authorized representative.
Kailangan lamang magsumite ng authorization letter at mga valid ID ng miyembro at ng kanyang
kinatawan. Kapag naaprubahan na ang kahilingan, makakatanggap ang benepisyaryo ng email
notification bilang kumpirmasyon sa kanyang bagong YAKAP Clinic.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng PhilHealth na patatagin ang primary
healthcare system sa bansa at tiyaking bawat Pilipino ay may komportable at mabilis na access sa mga
pangunahing serbisyong medikal.
Para sa mga katanungan at karagdagang tulong, maaaring tumawag ang mga miyembro sa PhilHealth
Action Center sa (02) 8662-2588 o bumisita sa pinakamalapit na PhilHealth Regional Office o Local
Health Insurance Office sa kanilang lugar.






