Home NATIONWIDE ‎DOH maglulunsad ng bakuna: flu-like illness tumaas

‎DOH maglulunsad ng bakuna: flu-like illness tumaas

4
0

MANILA, Philippines – ‎Naitala ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng kaso ng influenza-like illness (ILI) ngayong linggo at sisimulan ang pamamahagi ng flu vaccines sa susunod na linggo, ayon kay Health Secretary Edwin Mercado nitong Linggo, Oktubre 25.
‎
‎Sinabi ni Mercado na nakapagtala ang DOH ng 11,137 kaso ng ILI noong nakaraang linggo, mas mataas ng 8% kumpara sa 10,278 kaso na naitala noong Setyembre 3-16.
‎
‎Gayunman, sinabi niyang mas mababa pa rin ang kabuuang bilang ng kaso mula Enero hanggang nitong nakaraang linggo kumpara sa kaparehong panahon noong 2025.
‎
‎Ayon sa World Health Organization, ang influenza-like illness ay isang clinical syndrome na may sintomas tulad ng lagnat at ubo, at maaaring dulot ng iba’t ibang respiratory pathogens.
‎
‎Sinabi ni Mercado na ang pagkalat ng respiratory infection ay maaaring dahil sa droplets mula sa pag-ubo at pagbahing, gayundin sa paghawak sa kontaminadong mga bagay.
‎
‎Aniya, dumarami ang kaso kapag malamig ang panahon dahil nagkukumpulan ang mga tao sa iisang lugar at mapanahon din ng maraming selebrasyon.
‎
‎Sinabi ni Mercado na ilulunsad ng DOH ang flu vaccines sa susunod na linggo, na prayoridad ang mga bulnerableng sektor. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here