Home OPINION HINDI KAILANGAN NG TSINA MAGPAPUTOK PARA MASAKOP PILIPINAS

HINDI KAILANGAN NG TSINA MAGPAPUTOK PARA MASAKOP PILIPINAS

2
0

MARAMING senador at opisyal na nagtatapangtapangan laban sa bansang Tsina. Para bang handa sila sa giyera kung magkaroon man. Handang iwan ang Pilipinas?

Pero ano naman ang makukuha ng Tsina para sakupin ang militar ng Pilipinas kung halos kontrolado nila ang malalaking bahagi ng ating ekonomiya ng hindi nagpapuputok kahit isang bala. Gamit nila ay hindi eroplano, tanke o baril kung hindi mga Chinese State owned enterprises at State linked corporations para “sakupin” ang Pilipinas.

Sa mga nagtatapang-tapangang mga senador, dalhin ninyo ang tapang ninyo sa mga kompanya ng Tsina na nasa Pilipinas para may mapala ang taumbayan sa kayabangan niniyo.

Una, silipin ang 40 percent stake ng STATE GRID CORPORATION OF CHINA sa National Grid Corporation of the Philippines na nago-operate ng power transmission GRID sa Pilipinas.
Mga Chinese technical at software components nito ay matagal ng panganib sa national security ng bansa.

Pangalawa, ang DITO telecommunication na kontrolado ng CHINA TELECOM. Pangatlo na sa pinakamalaking telecom company sa Pilipinas.

Pangatlo, ang mga infra ay public works projects ng mga Chinese state owned construction conglomorates tulad ng higanteng CHINA COMMUNICATIONS CONSTRUCTION COMPANY, China Harbour Engineering Company, China Roads and Bridges Corporations na may malaking partisipasyon sa ilang major infrastructure contracts , mining and resource extradition operations.

Marami pang investments ang bansang Tsina sa Pilipinas tulad sa transportation at iba pa.

Kaya malalakas ang loob ng ilang senador na magtapang-tapangan ay alam naman nila na hindi sila papatulan ng Tsina. Pero sana ay dito nila ilagay ang tapang nila sa pagpasok ng bansang Tsina sa mga mahahalagang economic components ng bansa. Kapag kontrolado na nila ang power, transport, communication atbp , bakit pa nila kakailanganin ang kanilang militar para masakop ang Pilipinas?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here