Home NATIONWIDE Diesel sirit-presyo ng P1.20 kada litro, kapiranggot na tapyas sa gas

Diesel sirit-presyo ng P1.20 kada litro, kapiranggot na tapyas sa gas

2
0

MANILA, Philippines – Panibagong taas-presyo sa diesel ang sasalubong sa mga motorista simula Martes, Oktubre 27.

Ayon sa Department of Energy (DOE), P1.20 kada litro ang dagdag sa presyo ng diesel habang 50 sentimos kada litro naman ang itataas sa kerosene.

Samantala, 30 sentimos kada litro ang ibababa sa presyo ng gasolina.

Sinabi ng DOE na bunsod ang price adjustments ng patuloy na paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, partikular sa gitna ng tensyon sa Middle East na nakaaapekto sa supply at presyo ng petrolyo.

Ayon kay Jetti Petroleum president Leo Bellas, muling nagdulot ng pangamba sa global oil market ang panibagong paglala ng tensyon sa pagitan ng United States at Iran.

Nagbabala rin ang mga opisyal na maaaring magpatuloy ang epekto ng sigalot sa Middle East sa pandaigdigang suplay ng enerhiya.

Tiniyak naman ng DOE na patuloy itong nakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya upang matiyak ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng langis sa bansa. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here