Home METRO Working student patay sa pamamaril sa Batangas

Working student patay sa pamamaril sa Batangas

3
0

BATANGAS – Patay ang isang 22-anyos na working student matapos pagbabarilin habang nakasakay sa motorsiklo sa San Jose, Batangas.

Naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa national highway sa Barangay Banay-banay II habang pauwi ang biktima mula sa pinagtatrabahuhang restaurant kung saan siya umano ay nagtatrabaho bilang musikero.

Batay sa paunang imbestigasyon, tinabihan umano ng mga hindi pa nakikilalang suspek na sakay din ng motorsiklo ang biktima bago ito pinaputukan.

Unang inakala ng mga awtoridad na nasangkot lamang sa aksidente ang biktima ngunit nang suriin ng responders ay nakitang mayroon itong mga tama ng bala.

Tinamaan siya sa likod at tumagos umano ang bala sa kanyang dibdib.

Isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Nakarekober ang mga imbestigador ng dalawang basyo ng bala ng .45-caliber firearm sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pamamaril.

Wala pang inilalabas na pahayag ang pamilya ng biktima hinggil sa insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here