Home OPINION DOLE PINASIMPLE, PINAIKLI SA 10 ARAW PROSESO NG AEP

DOLE PINASIMPLE, PINAIKLI SA 10 ARAW PROSESO NG AEP

2
0

MAYNILA, Pilipinas — Upang patuloy na makapaghatid ng mas mabilis at episyenteng serbisyo publiko,
pinasimple na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang proseso ng aplikasyon para sa Alien
Employment Permit (AEP) at pinahusay ang kanilang mga frontline service.
Sa ilalim ng Department Order No. 248-C, Series of 2026, na nilagdaan ni Labor Secretary Francis N.
Tolentino, nagpatupad ang ahensiya ng mga hakbang upang bawasan ang mga dokumentong kailangan,
paikliin ang panahon ng pagproseso, at gawing mas maginhawa para sa mga employer at dayuhang
manggagawa ang pag-aplay.

Bawas sa Rekwisito

Alinsunod sa bagong patakaran, hindi na nire-require ang mga aplikante na magsumite ng ilang partikular
na permit, lisensya, at proof of application mula sa ibang ahensiya ng pamahalaan sa mismong oras ng
pag-file, bagamat nananatiling mandatory ang pagsunod sa mga batas ng mga naturang ahensiya.
Kabilang sa mga alituntuning ito ang Philippine Construction Accreditation Board License, Professional
Regulation Commission Special Temporary Permit, Department of Justice Authority to Employ Alien, at
Department of Environment and Natural Resources Authority to Hire Foreign National.

Tinanggal na rin ang sapilitang pag-aanunsyo o broadsheet publication sa gastos ng aplikante. Sa halip,
maaari nang i-publish ang mga abiso ng Labor Market Test sa pamamagitan ng DOLE Official Portal o
Public Repository, o kaya ay i-file sa University of the Philippines Law Center.
Mas Mabilis na Proseso at Pag-aalis ng Paunang Bayad
Upang makatipid sa oras, ibinaba mula 15 tungo sa 10 araw ng trabaho (working days) ang
pagproseso ng aplikasyon sa AEP, na may pahintulot sa isang beses na 10-day extension (hanggang 20
araw na maximum).

Bukod dito, pinahihintulutan na ang mga HR officer o tauhan ng mga employer na direktang magproseso
ng mga aplikasyon. Walang sisingilin na bayad sa mismong pagsusumite; ang mga payment slip ay
ibibigay lamang matapos maaprubahan ang aplikasyon kasunod ng technical evaluation.

Pinapayagan na rin ngayon ang mga embahada at konsulado ng Pilipinas sa ibang bansa na mag-
endorso ng mga aplikasyon sa Bureau of Local Employment (BLE) o sa Department of Foreign Affairs
(DFA) sa pamamagitan ng official notes. Obligado rin ang mga dayuhang aplikante na sumailalim sa
orientation hinggil sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas, habang binibigyan naman ng benepisyong
medikal sa mga pampublikong ospital ang mga lehitimong nagtatrabahong dayuhan.

Pagsusulong ng Efficient Public Service

Magsisimula ang bisa ng bagong Department Order makalipas ang 15 araw mula sa paglalathala nito sa
isang pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon.

Sa hakbang na ito, muling pinagtibay ng DOLE ang suporta nito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R.
Marcos Jr. na magbigay ng tapat at mabilis na serbisyo publiko habang sinisiguro ang mahigpit na
pagsunod sa mga batas sa paggawa ng bansa, alinsunod na rin sa Anti-Red Tape Act of 2007.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here