Home OPINION Andrea, ’di kailangan ng rich jowa!

Andrea, ’di kailangan ng rich jowa!

3
0

Manila, Philippines — Prangkang inamin ni Andrea Brillantes na hindi niya kailangan ng mayamang boyfriend dahil kaya naman niyang buhayin ang kanyang sarili.

Sa guesting niya kay Boy Abunda, sinabi ng aktres na mas mahalaga sa kanya ang lalaking masipag, masinop at may drive sa buhay kaysa sa isang ipinanganak na mayaman.

Dahil hindi rin umano siya lumaking mayaman, mas nakaka-relate si Andrea sa taong nagsisikap para maabot ang mga pangarap nito.

Open din daw siya sa posibilidad na makipagrelasyon sa isang beki, kahit hindi pa niya ito nasusubukan.

Para kay Andrea, mas mahalaga ang loyalty at pagiging faithful ng magiging partner kaysa sa kasarian nito.

Biro pa niya, jackpot para sa kanya ang isang partner na hindi magsisinungaling at maaari pa siyang tulungan sa pag-aayos at maging bahagi ng kanyang glam team.

Walang pag-aalinlangan din niyang inamin na mahilig siya sa guwapo.

Nang tanungin naman ni Boy kung kaya niyang manligaw ng lalaki, agad na “no” ang sagot ng aktres.

Posible raw na nagawa niya iyon noong mas bata pa siya, pero hindi na ngayon.

Naranasan na rin umano niyang siya ang unang gumawa ng move sa isang relasyon at marami siyang natutunan mula sa naturang karanasan.

Sa ngayon, malinaw para kay Andrea na hindi kayamanan ang pangunahing hinahanap niya sa magiging partner.

Mas gusto niya ang lalaking may sariling pagsisikap, responsable at may direksyon sa buhay.

Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here