Home LIFESTYLE HEALTH Bata sa NY, nasawi sa tigdas

Bata sa NY, nasawi sa tigdas

3
0

NEW YORK, USA – Nasawi ang isang bata sa New York matapos mahawa ng tigdas, ang unang pagkamatay na may kaugnayan sa sakit sa estado sa loob ng 30 taon, ayon sa mga awtoridad noong Lunes.

Ayon sa mga opisyal ng kalusugan ng county at estado, nasawi ang bata sa Lewis County sa hilagang bahagi ng New York.

“I am heartbroken to learn that a child in Lewis County has died after contracting measles,” pahayag ni New York Governor Kathy Hochul.

“As a mother and grandmother, I cannot imagine what this family is going through,” dagdag niya.

Iniugnay rin ni Hochul ang pagkamatay sa mga polisiya sa kalusugan ng administrasyong Trump. Aniya, isa itong “a devastating reminder of what’s at stake when Washington deliberately erodes decades of progress in protecting Americans from preventable illnesses.”

Nararanasan ngayon ng United States ang pinakamalalang measles outbreak sa loob ng 35 taon. Pagsapit ng Oktubre 29, umabot na sa 4,834 ang naitalang kaso sa 47 estado, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Noong Oktubre, nagdeklara si Hochul ng disaster emergency sa New York kasunod ng mga outbreak sa estado at mga karatig-lugar.

Idineklarang eradicated ang tigdas sa United States noong 2000 matapos ang ilang taong matagumpay na kampanya sa pagbabakuna. Gayunman, muling dumarami ang kaso nitong mga nakaraang taon kasabay ng pagtaas ng pagdududa sa bakuna at kawalan ng tiwala sa mga awtoridad pangkalusugan.

Nagdudulot ang tigdas ng lagnat, sintomas sa paghinga at masakit na mga pantal sa balat. Sa malulubhang kaso, maaari itong humantong sa pulmonya at pamamaga ng utak na posibleng ikamatay.

Patuloy na kumikitil ng sampu-sampung libong buhay sa buong mundo ang sakit bawat taon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here