Home HOME BANNER STORY Very strong El Niño namamayani na sa Pacific — PAGASA

Very strong El Niño namamayani na sa Pacific — PAGASA

3
0

MANILA, Philippines — Isang “very strong” El Niño ang namamayani na ngayon sa tropical Pacific at inaasahang magdudulot ng mas matinding init at tagtuyot sa bansa hanggang unang bahagi ng 2027, ayon sa PAGASA.

Sinabi ni PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Chief Ana Liza Solis sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food na batay sa paunang assessment ng mga global prediction center, umabot na sa very strong category ang kasalukuyang El Niño.

Ayon sa PAGASA, karamihan sa climate models ay nagpapakitang magpapatuloy ang El Niño hanggang unang quarter ng 2027 at posibleng umabot sa pinakamalakas na antas bago matapos ang 2026.

Gayunman, maaaring maramdaman ang epekto nito hanggang unang kalahati ng 2027.

Inaasahang magdudulot ang kondisyon ng mas mainit na temperatura sa buong bansa, matagal na dry spell at posibleng drought.

Posible ring tumaas nang hanggang dalawang degrees Celsius ang temperatura sa Pilipinas dahil sa kasalukuyang El Niño.

Nilinaw naman ng PAGASA na posible pa ring magkaroon ng mga bagyo at malalakas na pag-ulan kahit umiiral ang El Niño.

Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development, mahigit 356,000 Pilipino na ang naapektuhan ng El Niño noong Oktubre.

Samantala, iniulat ng Department of Agriculture na lumampas na sa P8.57 bilyon ang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura.

Naghahanda naman ang Department of Environment and Natural Resources ng mga water structures at rainwater harvesting systems bilang tugon sa posibleng paglala ng kakulangan sa tubig. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here