Home NATIONWIDE Kampo ni Duterte, humiling ng subpoena para sa 25 testigo sa impeachment...

Kampo ni Duterte, humiling ng subpoena para sa 25 testigo sa impeachment trial

5
0

MANILA, Philippines – Humiling ang mga abogado ni Vice President Sara Duterte ng subpoena para sa 25 testigo ng depensa sa impeachment trial laban sa bise presidente, ayon sa Senate Impeachment Court nitong Huwebes.

Ayon sa korte, inihain ng defense team ni Duterte ang kahilingan noong Nobyembre 4, 2026, bago ang nakatakdang paghaharap nila ng mga ebidensiya mula Nobyembre 9 hanggang 13 kaugnay ng alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman ng bise presidente.

Kabilang sa mga nais ipatawag ng depensa ang mga legal counsel ng mga negosyong iniuugnay kay Duterte, ang kanyang asawa na si Atty. Manases Carpio, mga opisyal ng lokal na pamahalaan at accountant mula sa Davao Region, gayundin ang mga opisyal ng mga bangko. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here