Home METRO Estudyanteng most wanted ‘rapist’ nasukol ng mga awtoridad sa Bulacan

Estudyanteng most wanted ‘rapist’ nasukol ng mga awtoridad sa Bulacan

3
0

BULACAN, Philippines – Nadakip ng mga awtoridad sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang bagitong Most Wanted Person sa kasong rape  at sexual assault sa bayan ng Marilao nitong gabi ng Nobyembre 4.

Sa ulat ni PLTCOL Edwin Lacostales, Acting chief of police ng Marilao police station, kinilala ang akusado na isang 16 anyos, estudyante, residente ng Marilao.

Ayon sa ulat, bandang 6:15 ng gabi naisagawa ng Tracker team at Women and Protection Desk, katuwang ang Barangay Peacekeeping Action Team ng Brgy. Lambakin ang pagsilbi ng Order to Take Custody na inilabas ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 121, Meycauayan City noong Oktubre 2, 2026.

Nabatid na ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatan konstitusyonal sa wikang kanyang nauunawaan.

Inihahanda na ang mga kaukulang dokumento para sa maayos na turnover sa korte na naglabas ng kautusan.

Binigyan-diin ni PCOL Jay Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, nanatiling matatag  ang kanilang hanay sa pagtugis sa mga wanted persons. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here