Home NATIONWIDE Sagip-Trabaho program, inilunsad ng DOLE sa NCR

Sagip-Trabaho program, inilunsad ng DOLE sa NCR

3
0

VALENZUELA CITY, Philippines – Inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa pangunguna ni Secretary Francis N. Tolentino, ang Sagip-Trabaho program sa National Capital Region (NCR) noong Nobyembre 5, na magbibigay ng hanggang 90 araw na sahod sa mga kwalipikadong manggagawa.

Ang Sagip-Trabaho ay isang flagship innovation ng TUPAD na naglalayong mapanatili ang mga trabaho at masuportahan ang tuloy-tuloy na operasyon ng mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na nakararanas ng pansamantalang problema sa operasyon o pinansyal.

Binigyang-diin ni Tolentino ang kahalagahan ng programa sa pagbibigay ng agarang tulong at pangmatagalang suporta sa mga apektadong manggagawa sa buong rehiyon.

“Kailangan din natin ibigay sa ilalim ng batas ang nararapat na dagdag sa sweldo ng ating mga manggagawa… ang gusto natin, magtuloy-tuloy yung inyong negosyo, hindi kayo magsara, at ang gusto rin natin, yung mga magagawa ninyo ay tumanggap ng salary increase,” ani Tolentino.

Pinuri rin niya ang mga manggagawa sa ilalim ng programa dahil sa kanilang dedikasyon at hinimok silang ipagpatuloy ang kanilang mga tungkulin nang may sipag at tatag.

“Ang hiling naman natin sa ating mga manggagawa, kung ano po yung binibigay niyong devotion, yung binibigay niyong loyalty, yung binibigay niyong sipag, yung binibigay niyong productivity ay ipagpatuloy niyo,” ani Tolentino.

“Dalangin ko po na magpatuloy ang mga lokal na negosyo at lalong maging masipag ang ating mga manggagawa,” dagdag niya.

Unang isinagawa ang programa sa CAMANAVA Field Office, na may 13 partner employers at mahigit 200 manggagawa. Layunin ng aktibidad na ipakilala ang inisyatiba at tiyaking nauunawaan ng lahat ng kalahok na stakeholder ang mga proseso ng implementasyon at layunin nitong mapangalagaan ang mga trabaho. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here