Home NATIONWIDE Piso lumakas, balik sa ₱62-level vs dolyar

Piso lumakas, balik sa ₱62-level vs dolyar

5
0

MANILA, Philippines – Lumakas ang halaga ng piso laban sa US dollar nitong Huwebes at muling bumalik sa ₱62 level matapos ang malaking paggalaw sa global markets kasunod ng resulta ng midterm elections sa Estados Unidos.

Nagsara ang piso sa ₱62.97 kada US dollar, mas malakas ng 56.5 sentimos kumpara sa ₱63.535 na closing rate noong Miyerkules.

Ayon kay Union Bank of the Philippines chief economist Carlo Asuncion, malaking bahagi ng pag-angat ng piso ay dulot ng “post-US midterm repricing” sa global markets.

Aniya, nakatulong sa piso ang pagbaba ng oil prices at US Treasury yields, gayundin ang paghina ng dolyar matapos makuha ng Democratic Party ang kontrol sa Senado at House of Representatives sa US midterm elections.

Paliwanag ni Asuncion, paborable sa Pilipinas ang ganitong sitwasyon dahil net energy importer ang bansa.

Sinabi naman ni Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort na may inaasahan din sa merkado na maaaring mapabilis ng Democratic sweep ang mga hakbang upang matuldukan ang digmaan sa Iran at Middle East.

Gayunman, sinabi ni Asuncion na dahil mabilis ang naging pag-angat ng piso, posible ang bahagyang correction o adjustment sa halaga nito sa mga susunod na araw.

Dagdag pa niya, hindi gaanong binigyang-pansin ng mga investor at market players ang mas mataas na inflation rate na naitala nitong Oktubre. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here