MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Unified 911 emergency hotline ng pamahalaan ng 96,447 tawag sa unang 10 buwan ng 2026, na may reported efficiency rate na 96.64%, ayon sa Department of the Local and Interior Government (DILG) nitong Martes, Nobyembre 10.
Ang natanggap na mga tawag ay mula Enero 1 hanggang Oktubre 30 sangkot ang police assistance, fire emergencies, medical concerns, search at rescue operations at mga kaso ng violence against women and children.
Inilunsad ang Unified 911 noong Setyembre 2025 bilang single emergency hotline ng bansa para sa police, fire, medical at rescue assistance.
Sinabi ng DILG na ang emergency assistance ay naisasagawa sa average na tatlo hanggang limang minuto, habang ang ilang kaso ay natutugunan sa loob ng isa hanggang dalawang minuto. RNT/JGC