Home NATIONWIDE Oil firms kinondena ng Bayan Muna sa kulang na rollback

Oil firms kinondena ng Bayan Muna sa kulang na rollback

2
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si dating Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ng agarang pagpaparusa sa mga mapagsamantalang oil company sa umano’y kulang na bawas sa produktong petrolyo sa kabila ng big-time rollback ngayong linggo.

Nahuli kasi ng Department of Energy (DOE) ang ilang gasolinahan na kulang ang ibinabawas sa presyo ng produktong petrolyo mula sa aktwal na inanunsyong bawas para rito.

Sa pahayag, inilahlimbawa ni Zarate ang isang gasolinahan sa Pasay City na nagtapyas sa presyo ng gasolina ng P12.20 kada litro sa halip na P16.80.

Kinondena ni Zarate ang ganitong “unconscionable betrayal” sa public utility vehicle drivers, delivery riders, at ordinaryogn mga motorista na naghihirap na sa krisis sa ekonomiya.

“At a time when every single centavo counts for our drivers and struggling families enduring relentless economic hardship, oil companies continue to display callous greed. Staggering or withholding a substantial portion of a mandated rollback is a direct affront to the people,” saad sa pahayag ni Zarate.

Ipinunto rin niya ang umano’y double standard ng mga oil company na kapag may taas-presyo sa produktong petrolyo ay nagmamadali ito ngunit kapag may rollback ay halos ayaw magbawas sa presyo.

Aniya, hindi sapat ang pag-iisyu lamang ng show-cause order.

Dahil dito ay hinimok nius snh DOE na tigilan na ang pagbababala at sa halip ay magpataw ng mabigat na multa at kaso sa paulit-ulit na offender.

“We urge the Department of Energy and other regulatory bodies not to let these oil companies off the hook with mere slaps on the wrist. They must be held fully accountable, forced to return every illegally withheld centavo to the public, and penalized heavily to serve as a stern warning,” aniya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here