Home NATIONWIDE PBBM, nag-alok ng Jollibee kay Trump upang maranasan nito ang ‘lasa ng...

PBBM, nag-alok ng Jollibee kay Trump upang maranasan nito ang ‘lasa ng Manila’

3
0

MANILA, Philippines – Pinakain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si United States President Donald Trump at kanyang delegasyon ng pagkaing Jollibee, popular Filipino fast-food chain bilang “taste of Manila.”

Nauna rito, malugod na tinanggap ni Pangulong Marcos si Trump sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkules, sa maikling pagbisita nito sa bansa bilang bahagi ng kanyang state visit, bago bumiyahe ang dalawang lider patungong Shenzhen, China, nang hapong iyon upang dumalo sa ika-33 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting.

Sa kanilang pag-uusap, ibinahagi ni Pangulong Marcos na personal niyang inatasan ang kanyang mga tauhan na mag-asikaso ng pagpapadeliver ng pagkain mula sa Jollibee, Martes ng gabi.

Batid umano niya na limitado ang oras ni Trump dahil sa sunod-sunod nitong mga aktibidad kaugnay ng ika-49 na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at pakikipagpulong sa mga lider ng Quad.

“Since you’re strapped for time, I thought the taste of Manila might be good,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Trump.

Sinabi niya na layunin ng naturang pagkain na mabigyan si Trump at ang kanyang delegasyon ng pagkakataong matikman ang pagkaing Pilipino, partikular na ang pritong manok na Chickenjoy, isa sa mga tanyag at pangunahing produkto ng Jollibee.

Ipinagmalaki rin ni Pangulong Marcos ang patuloy na pagsikat ng naturang fast-food chain ng Pilipinas sa Estados Unidos, at iginiit na nalampasan na nito sa kasikatan ang American fast-food chain na KFC sa merkado ng US.

“You have been working very hard, Mr. President, so just think of it as providing extra energy for all the work that you have done and continue to do, and that is in front of you,” aniya pa rin. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here