MANILA, Philippines – Hinarap ni dating Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament member Sultan Edrieza Nasser Rimbang ang National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes kaugnay ng umano’y pagkakasangkot niya sa 521-kilong ilegal na droga na nasamsam sa Laos.
Sinabi ni Rimbang na nagtungo siya sa NBI upang linisin ang kanyang pangalan kaugnay ng mga alegasyon.
Tinukoy siya ng mga awtoridad bilang umano’y financier o nagpondo sa naturang kargamento ng droga na pinaniniwalaang nakatakdang ipuslit sa Pilipinas.
Nauna nang itinanggi ni Rimbang ang pagkakasangkot sa operasyon ng ilegal na droga sa isang video statement. RNT/MDS