Home OPINION ‘A CRIMINAL ORGANIZATION’

‘A CRIMINAL ORGANIZATION’

“NAGKAKAGULO” ngayon sa maraming panig ng mundo. Kasama kasi sa utos ni US President Donald Trump matapos makabalik sa puwesto noong Enero 20, ang ‘90-days suspension’ sa lahat ng ‘foreign aid.’

“Sarado” muna ang “gripo” ni ‘Uncle Sam habang nirerepaso kung saan nga ba ginastos ng ‘USAID’ (US Agency for International Development) ang bilyones na pondo nito kada taon.

Bagaman totoong maganda ang orihinal na misyon ng USAID nang itayo ni Pres. John Kennedy noong 1961– tulungang maibsan ang kahirapan sa maraming panig ng mundo– “nababoy” ito ng “umepal” na ang CIA sa operasyon nito.

Ginawa kasing “instrumento” ng CIA at “balon” ng pondo para sa mga korap na ‘non-government organizations’ sa planong destabilisasyon, ‘regime change,’ at ‘color revolution’ sa mga bansang gustong kontrolin ng Amerika, katulad ng ‘Pinas at Ukraine, sa ngalan ng “demokrasya” at ‘human rights.’

Balikan ang nangyari sa ‘EDSA People Power Revolution’ kung saan ginawang simbolo ang Dilaw na kulay (‘Yellow’) sa iligal na pagtanggal kay Pang. Ferdinand Marcos Sr., ama ni PBBM noong 1986. Tama, mga kabayan, ‘Pinas at pamilya Marcos ang unang biktima ng ‘color revolution’ ng CIA/USAID.

Sa desisyon naman ni Trump, “umaatungal” ngayon ang libo -libong mga NGOs sa loob at labas ng ‘Tadong Unidos, kasama na ang mga bayarang NGOs dito sa Pinas, dahil “natuyo” ang kanilang pondo.

Si Elon Musk na siyang kalihim ngayon ng ‘DOGE’ (Department of Government Efficiency), ang nakadiskubre kung ano na ngayon ang tunay na “mukha” ng USAID.

Ani Musk, isa na ngayong ‘criminal organization’ ang USAID!

At ‘yan ang totoo, amen!