Home ENTERTAINMENT Abo ni Jaclyn, pinaghatian ng mga kaanak!

Abo ni Jaclyn, pinaghatian ng mga kaanak!

Manila, Philippines – Habang sinusulat ito’y malamang na nag-eempake na si Gwen Guck pabalik ng Amerika.

Si Gwen ang pangalawa at bunsong anak ng yumaong aktres na si Jaclyn Jose.

In the nick of time ngang nakauwi saglit si Gwen para makahabol hanggang mailagak ang mga labi ng kanilang ina sa isang columbarium sa Quezon City.

Mismong ang pinsan ni Andi Eigenmann na si Gabby ang nagkuwento na sa kanya ito pansamantalang nakituloy.

Kasama ni Andi ang partner niyang si Philmar Alipayo at mga anak.

Medyo nahihiya pa nga raw sina Andi at Philmar dahil nakikituloy sila.

Pero iginiit ni Gabby na: “This house is open for you. We’re family.”

Although the couple had a brief stay at Gabby’s house ay mas piniling mag-check in sa isang hotel ang mga ito before flying back to Siargao.

The couple left with Gwen.

Bagama’t nakalagak na raw ang bahagi ng cremated remains ni Jaclyn sa columbarium, ang iba nito’y pinaghati-hatian among the closest of kin.

May portion daw na napunta kay Veronica Jones, nakatatandang kapatid ni Jaclyn.

May napunta rin sa magkapatid na Andi at Gwen.

At may napunta rin kay Ellie, panganay na anak ni Andi kay Jake Ejercito.

Ayon kay Gabby, nakalagay daw ang mga abo sa maliliit na boteng ginawang pendant.

“Para raw kahit saan sila pumunta, eh, kasama pa rin nila si Tita Jane,” paliwanag ni Gabby.

Kung matatandaan, pinaghati-hatian din nina Andi ang cremated remains ng kanyang amang si Mark Gil.

Ayon pa kay Gabby, maayos naman daw ang kalagayan ngayon ni Andi who he always checks on via Facetime. Ronnie Carrasco III

Previous articleVet’s Love Nature, idinaos
Next articleBI nagbabala sa pekeng eTravel websites na naniningil ng bayad