MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng pulisya ang pagkamatay ng isang abogado matapos mahulog mula sa isang high-rise commercial building sa Bohol Street, Cebu City nitong Friday, Setyembre 20.
Ayon kay Police Major Romeo Caacoy, hepe ng Mabolo Police Station, idineklarang dead on the spot ng first-aid responders ang naturang abogado.
Kinumpirma ni Caacoy na isang abogado nga ang biktima ngunit hindi na ibinigay pa ang pagkakakilanlan nito.
Natanggap ng pulisya ang ulat bandang ala-1 ng hapon.
Sa inisyal na imbestigasyon, nakitang nahulog ang biktima mula sa ika-16 na palapag ng gusali.
Iniimbestigahan na ang sanhi ng pagkamatay ng abogado at kung suicide ba ang dahilan nito o mayroong foul play. RNT/JGC