Home METRO Aborsyonista, timbog sa pagbebenta ng DIY pampalaglag

Aborsyonista, timbog sa pagbebenta ng DIY pampalaglag

213
0

MANILA, Philippines – Naaresto ang isang umano’y abortionista sa isang entrapment operation matapos magbenta ng “do-it-yourself” abortion kit online, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Nag-order ang mga undercover agent ng kit na naglalaman ng mga tableta at instruksyon para gamitin nang walang gabay ng doktor.

Nahuli ang suspek sa Maynila matapos ide-deliver ang item sa Makati.

“This is not allowed for public use… These drugs should only be administered under the supervision of a licensed physician,” ayon kay Jonathan Galicia, hepe ng NBI Dangerous Drugs Division.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa FDA law, Cybercrime Prevention Act, at Pharmacy Law.

Binalaan din ng mga awtoridad ang publiko laban sa pagbili ng hindi rehistradong gamot online, lalo na ang abortion pills. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here