MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nakakita ng basketball jersey kasama ng mga buto sa Taal Lake sa gitna ng imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Remulla, may testigo na nagsabing pamilyar ang jersey.
“A possible witness saw the basketball uniform,” aniya, habang hinihintay ang DNA test para matukoy kung kanino ang mga labi.
Tiniyak ni Remulla na tuloy ang imbestigasyon: “We’re not stopping. Kailangan itong gawin nang sistematiko para masigurong buo ang ebidensya.” RNT